^

PSN Palaro

Cardinals, Bombers maghihiwalay: Altas ‘di puwedeng magkumpiyansa vs Generals

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kung may isang bagay na nais na makita si Perpetual Help Altas coach Aric del Rosario sa kanyang mga bataan, ito ay ang hu­wag maliitin ang kaka­ya­nan ng Emilio Aguinaldo College Generals.

“Matapos ang malaking panalo sa Letran, tiyak na mataas ang kumpiyansa nila, kaya nakikita kong mahirap na laban ito,” wika ni Del Rosario.

Magtutuos ang Altas at Generals sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon sa 91st NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City at hanap ng una ang ikaanim na panalo sa walong laro para manatiling matibay ang kapit sa ikatlong puwesto.

Mag-uunahan ang host Mapua Cardinals at Jose Rizal Heavy Bombers na kumalas sa three-way tie sa ikaapat hanggang ikaanim na puwesto sa ganap na alas-2 ng hapon.

Papasok ang Cardinals bitbit ang tatlong dikit na panalo at babalik na rin sa bench si coach Fortunato Co matapos silbihan ang one-game suspension bunga ng dalawang technical fouls sa naipanalong laro kontra sa Lyceum Pirates.

Ngunit bawas ang pu­­wersa ng Mapua dahil dumanas si CJ Isit ng dislocated right elbow sa huling laro.

Tinapos ng Altas ang dalawang sunod na kabiguan sa pamamagitan ng 76-66 panalo sa Arellano Chiefs sa huling laro.

Si Bright Akhuetie ay may 31 puntos para pa­ngunahan ang Altas ngunit masusukat uli ang galing ng 6’6 import dahil makakatapat niya ang nagpapasikat na si Hamadou Laminou.

Ang Cameroonian import ng Generals ay guma­wa ng 20 puntos, 24 rebounds at 4 blocks habang may 18 puntos at 10 boards si Remy Morada nang silatin ang dating walang talo na Knights, 83-69.

“Maganda ang rebounding namin sa huling mga laro at kung madala namin ito laban sa Perpe­tual ay may laban kami,” wika ni EAC rookie coach Andy de Guzman na nais ang ikatlong sunod na ta­gumpay.

vuukle comment

ACIRC

ALTAS

ANG

ANG CAMEROONIAN

ARELLANO CHIEFS

DEL ROSARIO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

FORTUNATO CO

HAMADOU LAMINOU

JOSE RIZAL HEAVY BOMBERS

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with