^

PSN Palaro

Roach may alas! magpapanalo kay Pacquiao vs M’weather

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang sparmate na dating nakasama si Floyd Mayweather Jr. habang naghahanda sa isang malaking laban ang nasa kampo na ni Manny Pacquiao.

Sa panayam kay trainer Freddie Roach ng Ontheropesboxing.com, hindi niya pinangalanan ang sparmate pero itinuturing niya ito bilang kanyang alas para manalo si Pacquiao kay Mayweather sa mega-fight sa Mayo 2 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

“I have one that I’m gonna use in the last two weeks is one that used to work at Mayweather’s Gym and was part of Mayweather’s camp. He does the style really well, he’s my secret weapon right now,” wika ni Roach.

May anim na sparmates ang kinuha ni Roach para tumulong sa paghahanda ni Pacman at itong huling alas ay nakatira na sa kanyang bahay at binabalangkas kung ano ang kanyang dapat gawin kapag isinalang na sa sparring.

Mga bata at walang mga talong sparmates ang tinapik ni Roach upang matiyak na hindi mawawala ang pagiging agresibo ni Pacquiao sa kanilang pagsasanay.

Susi, ayon kay Roach, ang ipakikitang tibay ng binti at foot work ni Pacquiao para tapusin ang 47 sunod na panalo ng pound-for-pound king.

“One thing about Manny is, his legs are very solid. If you watch Manny and his last fight with Algieri, he was on his toes for twelve rounds and Algieri the whole night,” pahayag pa ni Roach.

Tinuran pa ni Roach na wala na ang footwork ni Mayweather at patunay dito ay ang palaging pagsandal sa lubid sa mga huling laban.

“I believe that he has to go to the ropes to rest  a little bit because his legs are a little shot. I think  Pacquiao has better legs than Mayweather and I think that’s gonna be the difference in this fight,” paniniyak ni Roach.

Mahigit isang buwan pa ang paghahanda nina Pacquiao at Mayweather at tiyak na pagsapit ng takdang laban ay tunay na maipamamalas nila ang resulta ng matinding pagsasanay para madetermina kung sino ang pinakamahusay na boksingero sa kapanahunang ito. (AT)

vuukle comment

ALGIERI

FLOYD MAYWEATHER JR.

FREDDIE ROACH

GRAND ARENA

LAS VEGAS

MAYWEATHER

PACQUIAO

ROACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with