^

PSN Palaro

SBP maghahanap din ng bubuo sa National Pool: Chot sinibak sa Gilas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nang ipinanukala ni Sa­­mahang Basketbol ng Pi­lipinas president Manny V. Pangilinan ang pagbu­buo ng isang screening-se­lection committee, ito ay nanga­ngahulugan ng pag­­sibak kay head coach Chot Reyes at paggiba sa Gi­las Pilipinas.

Gusto ni Pangilinan na mag­­karoon ng “participative and consultative approach” para sa paraan ng pagpili ng bagong head coach at mga miyembro ng national team na isasabak sa siyam na in­ternational tournaments sa 2015.

Ang sinasabing pagtik­lop ng Gilas PIlipinas sa nakarang 17th Asian Games sa Incheon, Korea ang dahi­lan ng paghuhulog ni Pa­ngi­linan kay Reyes pati na ang pagbasura sa koponan.

Matapos magpakita ng ma­ganda sa FIBA World Cup sa Spain ay malamya na­man ang inilaro ng Natio­nals sa Incheon Asiad.

Inulan din ng batikos si Reyes dahil sa paninisi ni­to kay 6-foot-11 natura­lized center Marcus Douthit matapos matalo sa Qatar.

Si Reyes ang responsable sa paglalaro ng bansa sa FIBA World Cup matapos ang 36 taon.

Ito ay makaraang igiya ang Gilas Pilipinas sa silver medal finish sa 2013 FIBA-Asia Championship na idinaos sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Winakasan ng Nationals ang 40 taon na pagkauhaw sa panalo sa world meet matapos talunin ang Sene­gal sa kanilang huling laro.  

Para sa paghahanap ng bagong head coach ng Gilas Pilipinas ay gagawa ang komite ng “short list” ng mga kandidato na isusumite sa SBP Executive Committee na bi­nubuo ng SBP chairman, pre­sident, vice chairman, vice president at executive di­rector.

Ilan sa mga torneong nakalinya sa 2015 ay ang 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa Hun­yo at ang 28th FIBA Asia Championship sa Chi­na sa Agosto na magsisilbing regional qua­lifier ng Rio de Janeiro Olympics sa 2016.

Ilalahok ng SBP sa 2015 Singapore SEA Games ang mga players mula sa ama­teur at college leagues, ha­bang hihiram naman sila ng mga PBA cagers para pa­lakasin ang mabubuong ko­ponan na sasabak sa 2015 FIBA-Asia Championship sa China.

 

vuukle comment

ASIA CHAMPIONSHIP

ASIAN GAMES

CHOT REYES

EXECUTIVE COMMITTEE

GILAS PILIPINAS

INCHEON ASIAD

JANEIRO OLYMPICS

SHY

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with