^

PSN Palaro

US gagawa ng pagbabago sa knockout stage

Pilipino Star Ngayon

SAO PAULO--Kaila­ngan ng US na patingkarin ang kanilang atake para umabante pa sa knockout round  sa 2014 World Cup sa Brazil.

Lumabas sa istatistika matapos ang group stages na ang US ay mayroong 72 attacks lamang upang mahigitan lang ang Costa Rica na siyang nangungulelat sa departamento sa 32 kopo­nang kasali sa 69 attacks.

Nangulelat ang US kung pag-atake sa kaliwa ang pag-uusapan (29) at katabla ang Iran sa huling puwesto kung ang bilang ng pag-atake naman mula sa center ang titingnan (29).

“The first minutes of the game, impose yourself, step on their toes a bit, and get in their face,” wika ni midfielder Gra­ham Zusi.

Natalo ang US sa Germany, 1-0, sa huling laro sa Group G, para makatabla ang Portugal sa ikalawang puwesto.

Ngunit may zero goal difference ang US kumpara sa negative 3 ng Portugal para magpatuloy ang laban sa torneo.

Inihayag ni US coach Jurgen Klinsmann ang planong baguhin ang formation na 4-2-3-1 na kanyang ginamit sa huling dalawang laro.

Si Cllint Dempsey ang siyang natatanging striker na ginagamit ni Klinsmann at kailangan niya umanong dagdagan ang panuporta sa nasabing manlalaro para mas lumalim ang kanilang opensa.

“We have to bring up the players higher up and create chances to get more support for Clint and come down the line more often on the sides,” pahayag pa ni Klinsmann.

 

vuukle comment

COSTA RICA

GROUP G

INIHAYAG

JURGEN KLINSMANN

KAILA

KLINSMANN

LUMABAS

SI CLLINT DEMPSEY

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with