^

PSN Palaro

Responders pinosasan ang Magis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpleto ng PNP Responders ang 8-0 sweep nang talunin ang nagdedepensang kampeon Judiciary Magis, 87-77, sa UNTV Cup Season 2 noong Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tumapos si Olan Omi­pig ng 23 puntos para pamunuan ang Res­ponders na napanatiling hawak ang unang puwesto matapos ang pangalawang ikutan.

Ang panalo ng PNP ay nagsantabi kahit paano sa 2-0 sweep na tinamo sa Magis sa finals noong nakaraang taon.

May 21 puntos si Ariel Capus para sa Magis na nanatili sa ikalawang puwesto sa 6-2 karta.

Bumanat ng 18 puntos, 7 rebounds, 4 steals, 2 assists at 1 block si Jeff San­ders para igiya ang MMDA Blackwolves sa 109-77 paglampaso sa House Of Representatives Solons sa ikalawang laro.

Tinapos  ng MMDA ang aksyon sa yugto bitbit ang 5-3 karta.

Nauna rito, tinalo rin ng AFP ang Se­nate,78-50.

vuukle comment

ARIEL CAPUS

BLACKWOLVES

CUP SEASON

HOUSE OF REPRESENTATIVES SOLONS

JEFF SAN

JUDICIARY MAGIS

OLAN OMI

PASIG CITY

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with