^

PSN Palaro

Azkals laglag sa FIFA world rankings

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumaba ang ranggo ng Philippine Azkals matapos mabigong manalo sa kanilang dalawang friendlies sa Malaysia at Azerbaijan kamakailan.

Mula sa pagiging No. 127 sa FIFA world men’s rankings ay nahulog ang Azkals sa No. 130.

Nagmula ang Azkals sa dalawang friendlies kung saan nila nakaharap ang Malaysia sa isang goal-less draw sa Selangor at isinuko ang 0-1 kabiguan sa Azerbaijan sa Dubai.

Umakyat naman sa No. 91 ang Azerbaijan mula sa pagiging No. 93 matapos talunin ang Azkals at tumaas sa No. 141 ang Malaysia buhat sa No. 143 dahil sa kanilang scoreless draw sa National team.

Nakatakdang labanan ng Azkals ang Nepal sa isa pang friendly sa Abril 11.

Ang nasabing mga laro ay bilang bahagi ng preparasyon ng Azkals para sa Asian Football Confe­deration (AFC) Challenge Cup sa Mayo 19-30 sa Maldives.

Ang laro laban sa 169th ranked na Nepal ang inaasahang makakatulong para sa Azkals sa ilalim ng sistema ni bagong head coach Thomas Dooley.

Sa kanilang huling pag­haharap noong 2011 sa Rizal Memorial tinalo ng Azkals ang Nepal, 4-0. (RC)

vuukle comment

ABRIL

ASIAN FOOTBALL CONFE

AZERBAIJAN

AZKALS

BUMABA

CHALLENGE CUP

PHILIPPINE AZKALS

RIZAL MEMORIAL

THOMAS DOOLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with