^

PSN Palaro

Pagkakaisa panawagan ni Juico sa PATAFA

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang masaganang pananghalian at masinsinang usapan, inaasa­hang babalik na ang pagkakaisa ng mga coaches at atleta sa PATAFA.

Pinangunahan nina pa­ngulong Go Teng Kok at chairman Philip Ella Juico ang luncheon meeting kahapon sa tanggapan ng PATAFA na dinaluhan ng 25 atleta at coaches.

Ginawa ito ng PATAFA officials upang pagsamahin uli bilang isang grupo ang hanay na tila nagkaka­wa­tak-watak matapos ang alegasyon kina natio­nal coaches Joseph Sy at Rosalinda Hamero.

Sina Sy at Hamero ay inalis sa talaan ng mga su­masahod sa PSC dahil sa akusasyon na nagpapa­baya sa trabaho. Nadiin pa si Sy sa reklamo nang lumabas si Henry Dagmil para patotohanan na wala itong ginagawa bilang kanyang coach mula 2000.

Si Dagmil ay isa sa mga atletang dumalo sa pag­titipon.

Naunang nagsalita si Go at tiniyak na walang pak­syon siya na kinikilala dahil para sa kanya ay iisa lamang ang PATAFA bagay na sinegunduhan ni Juico.

“Sabi nga ni Mr. Go, walang paksyon dito. Ang mga kalaban natin ay ang Thailand, Vietnam, Malaysia at iba pang Southeast Asian countries at hindi tayo ang magkakaaway dito. Tayo ay isang team,” pagdidiin ni Juico.

“Ang tension sa PATA­FA ay maaaring ayusin sa mahinahon na usapan. Usapan na makatarungan din o fair. Ang lumalabas ngayon, dalawa ang athle­tics team ng Pilipinas na hindi dapat mangyari,” paliwanag ni Juico.

Sa halip na mag-away-away, dapat na lamang na ibunton ng mga atleta at coaches ang galit para pagbutihin ang kanilang pagsasanay para maipagpatuloy ang pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas.

“Iisa lamang ang ating layunin. Mayroon tayong kanya-kanyang papel na dapat gampanan at gampanan natin ito ng mabuti,” paalala pa ni Juico.

Humingi naman ng paumanhin si Go dahil ang halos isang taon na pagkawala dahil sa sakit ang siya niyang sinisisi kung bakit nagkaroon ng problema ang asosasyon.

Tiniyak niyang hindi niya kinakampihan si Sy at Hamero pero ginawa la­mang ang pagdepensa laban sa PSC dahil inakusahan sila ng hindi binibigyan ng due-process.

May inihahanda ng sariling imbestigasyon si Go sa dalawang coaches at kung lumabas na nagkamali sila ay handa niyang bitiwan ang mga ito.

 

vuukle comment

GO TENG KOK

HAMERO

HENRY DAGMIL

JOSEPH SY

JUICO

MR. GO

PHILIP ELLA JUICO

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with