^

PSN Palaro

Ensayo ng Gilas mamaya bukas sa publiko

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa karamihan ng gustong makanood sa unang araw ng ensayo ng national men’s basketball team, napagdesisyunan ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na buksan ito sa publiko.

Sinabi ni Reyes sa kanyang Twitter account na maaaring manood ang publiko sa kanilang unang ensayo mamayang alas-8 ng gabi sa Philsports Arena (dating ULTRA) sa Pasig City bilang paghahanda sa FIBA World Cup 2014 sa Agosto.

Nitong Biyernes lamang ay pinaganlanan na ni Reyes ang 16-man pool lineup kung saan idinagdag niya sa listahan sina Paul Lee, Marcio Lassiter, Greg Slaughter, Jared Dillinger.

Nakabinbin pa naman sa Kongreso ang naturalization ng Amerikano at Brooklyn Nets center Andre Blatche na inaasahang magpapalakas sa koponan.

Kaugnay na balita: 16 players ng Gilas pinangalanan na

Pasok pa rin naman sa lineup ang mga miyembro ng Gilas na tumapos ng first runner-up sa FIBA Asia Championship na sina Jimmy Alapag, LA Tenorio, Jayson Castro, Larry Fonacier, Jeff Chan, Gabe Norwood, Gary David, Ranidel Ocampo, Marc Pingris, Japeth Aguilar, Junemar Fajardo at naturalized player Marcus Douthit.

Nagpasalamat din si Reyes sa patuloy na suporta ng Philippine Basketball Association para sa kanilang kampanya sa world stage.

Nasa group B ang Pilipinas sa FIBA World Cup kung saan makakalaban nila ang mga bansang Senegal, Puerto Rico, Argentina, Greece at Croatia.

vuukle comment

ANDRE BLATCHE

ASIA CHAMPIONSHIP

BROOKLYN NETS

CHOT REYES

GABE NORWOOD

GARY DAVID

GILAS PILIPINAS

GREG SLAUGHTER

REYES

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with