^

PSN Palaro

Sinag Pilipinas kampeon na sa SEAG

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinarap ng National men’s basketball team ang Malaysia kahapon ngunit wala ng halaga ito kung ang paghablot ng gintong medalya ng Pilipinas sa 27th SEA Games ang pag-uusapan.

May 5-0 baraha ang tropa ni coach Jong Uichico  at naselyuhan ng Pilipinas ang ika-16th ginto sa SEAG matapos talunin ang Indonesia, 83-52, na sinabayan pa ng 73-69 tagumpay ng Thailand sa Malaysia sa isa pang laro.

Ang  kabiguang ito ng Malaysian ay pangalawa sa torneo at hindi na sila aabot sa Pilipinas kahit manalo pa sila sa tagisan kahapon.

Sa format ng torneo, ang pitong nagtatagisang bansa ay sasailalim sa single-round robin at ang ma­ngunguna rito ang siyang kikilalaning kampeon.

Kung sakaling masilat ang Pilipinas ng Malaysians at manalo ang Thais sa host Myanmar sa pagtatapos ng basketball ngayong araw, magtatabla ang dalawa sa unang puwesto sa 6-1 karta.

Pero dahil dinurog ng Nationals ang Thailand sa kanilang pagtutuos, 100-68, ang bansa ang mamama­yagpag pa rin dahil sa winner-over-the-other rule.

Hindi naman magpa­pabaya ang Nationals sa laro sa Malaysia dahil sweep tungo sa titulo ang nakagawian ng bansa kung men’s basketball ang pag-uusapan.

Isang beses pa lamang sa 16 na SEA Games na na­kalusot ang ginto sa Pilipinas at nangyari ito noong 1989 sa Kuala Lumpur nang nasilat ang Pamban­sang koponan ng host country.

Walang basketball no­ong 2005 sa Pilipinas dahil suspindido ng interna­tional basketball body (FIBA) ang bansa na siyang  host ng SEAG sa taong iyon habang ‘di naman isinama ang team sport na ito sa 2009 sa Laos.

 

vuukle comment

HINARAP

ISANG

JONG UICHICO

KUALA LUMPUR

MYANMAR

PAMBAN

PERO

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with