^

PSN Palaro

La Salle batters tumibay ang laban para sa titulo

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Rizal Memorial

Baseball Field)

7 a.m.  NU vs Ateneo

12 n.n. Philab vs La Salle

3 p.m.  loser NU-Ateneo

vs winner Philab-La Salle

 

MANILA, Philippines - Sinandalan ng La Sal­le ang husay ni Carlos Muñoz para daigin ang UP, 5-4, at manatiling palaban sa kampeonato sa 1st PSC Chairman’s Cup Baseball Classic kahapon sa Rizal Memorial Ballpark.

Lumabas ang tapang ni Muñoz sa top-of-the-ninth inning nang hindi paiskorin ang Maroons sa kanilang huling palo at maipreserba ang isang run na abante.

Walang patid ang pagpukol ni Muñoz sa laro at binigyan lamang niya ang UP ng pitong hits at apat na runs bukod sa dalawang strikeouts.

Siya rin ang tumayong bida nang bumangon ang Archers sa 0-2 iskor matapos ang dalawang innings nang ibigay niya ang pang lamang na run mula sa error ng UP sa bottom fifth.

Hindi naman nagpahuli ang Philab Ballbusters na umani ng 10 hits para katampukan ang 12-2 panalo sa Adamson na namaalam na tulad ng UP.

Magpapatuloy ang ak­syon ngayon at ang Philab at La Salle ay haharap sa knockout game na magsisimula matapos ang pagtutuos ng NU at Ateneo sa alas-7 ng umaga.

Ang mananalo sa pagitan ng Bulldogs at Eagles sa ligang inorganisa ni PSC chairman Ricardo Garcia, ang papasok na sa Finals at may twice-to-beat advantage.

Ang huling laro ay sa pagitan ng matatalong koponan sa NU at Ateneo laban sa mananalong koponan ng Philab at La Salle para sa ikalawang puwesto sa championship round.

vuukle comment

ATENEO

BASEBALL FIELD

CARLOS MU

CUP BASEBALL CLASSIC

LA SAL

LA SALLE

LARO NGAYON

PHILAB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with