^

PSN Palaro

37th National Milo Marathon Donos, Unabia inangkin ang General Santos leg

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nakita ang lakas ng dating Milo Marathon Queen Flordeliza Donos sa General Santos City regional qualifying kahapon upang makabalik siya sa National Finals sa Disyembre.

Kasapi ng Philippine Air Force, si Donos ay naorasan ng 1:26:51 sa 21-kilometer karera para talunin sina Mona­liza Ambasa (1:31:39) at Cellie Rose Jaro (1:32:02).

Ito ang ikalimang pagkakataon na tatakbo si Donos sa Finals na kailangan pang makakuha ng go-signal sa nakatataas sa PAF para matuloy ang pagsali sa Disyembre.

Si Arnold Unabia ang siyang nagdomina sa kalalakihan para mag-qualify din sa Finals na gagawin sa Mall of Asia Grounds.

May winning time si Unabia ng 1:14:48 at pinalad siya na nakaremate pa kay Gilbert Maluyo na kanyang tinalo ng  isang hakbang (1:14:49).

Ito ang lalabas na ikawalong pagkakataon ni Unabia na makasali sa National Finals at nananalig siya na sa pagkakataong ito ay mapasama na siya sa mga biga­ting runners na tatapos sa unang tatlong puwesto.

Nasa 7,060 ang runners na sumali sa karera na kinatampukan din ng pamimigay ng 500 pares ng running shoes sa limang napiling paaralan sa Tuna Capital ng Pilipinas.

Magpapatuloy ang qualifying race sa Nobyembre 3 sa Baguio City bago tumungo sa Dagupan sa Nobyembre 10, sa Tarlac sa Nobyembre 17 at Ange­les sa Nobyembre 24.

Ang 37th National Finals ay susulong sa Dis­yembre 8 at ang  mga Filipino champions ay ipadadala sa 2014 Paris Marathon.

vuukle comment

BAGUIO CITY

CELLIE ROSE JARO

DISYEMBRE

DONOS

GENERAL SANTOS CITY

GILBERT MALUYO

NATIONAL FINALS

NOBYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with