^

PSN Palaro

Gorayeb umaasang papayagan si Santiago na lumaro sa Game 2

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nananalangin si Smart-Maynilad coach Roger Go­rayeb na mapapahintulutan pa si Dindin Santiago na makapaglaro sa mahala­gang Game Two ng Shakey’s V-League Open Conference Finals sa Linggo sa The Arena sa San Juan City.

Ang 6’1 spiker na si Santiago ay makakasama ng National University na maglalaro sa UniGames sa Bacolod City. Ang Lady Bulldogs ay aalis sa Lunes.

“Kung mapapahintulutan siyang maglaro, magi­ging masaya ako dahil sa Game Three ay talagang hindi na puwede si Dindin kung umabot kami,” wika ni Gorayeb.

Gumawa ng 12 hits si Santiago sa Game One na pinagwagian ng Cagayan Province sa limang mahigpitang sets, 26-24, 25-11, 23-25, 11-25, 15-12, noong Martes.

Pangunahing manlalaro si Santiago ng Lady Bulldogs at sa first conference sa ligang inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s ay napagkampeon niya ito para kilalanin din bilang MVP ng ligang may ayuda rin ng Accel at Mikasa.

Sakaling makatabla ang Net Spikers, ang deciding Game Three ay gagawin sa Oktubre 27.

Kung hindi mapahintu­lutan, kakailanganin ni Go­rayeb ang mas mainit na pag­lalaro sa ibang inaasahan. Si Lithawat Kesinee ay mayroong 20 hits pero malamig ang laro nina Alyssa Valdez at Sue Roces na mayroon lamang tig-pitong marka.

Tiniyak ni Gorayeb na ayos naman ang kalagayan ni Valdez na nasaktan matapos magbanggaan ang kakamping si Maru Banaticla sa third set.

“Makakapaglaro siya,” pagtitiyak ni Gorayeb sa mahusay na spiker  na manlalaro din ng Ateneo.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

ANG LADY BULLDOGS

BACOLOD CITY

CAGAYAN PROVINCE

DINDIN SANTIAGO

GAME ONE

GAME THREE

GAME TWO

GORAYEB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with