^

PSN Palaro

Cagayan, Army Spikers pipitasin ang tiket sa semis

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Puwesto sa Final Four ang naghihintay sa Caga­yan Province at Philippine Army sa pagharap sa hiwalay na laro sa Shakey’s V-League Season 10  Open Conference quarterfinals ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Parehong may tig-pitong panalo ang Lady Ri­sing Suns at Lady Troopers kaya’t isa pang panalo ay sapat na para makatiyak ng puwesto sa susunod na yugto sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Kalaban ng Cagayan ang Philippine Air Force sa alas-2 ng ha­pon at ipakikita ng tropa ni coach Nestor Pamilar na hindi nawala ang matikas na porma na kanilang ipina­malas sa elimination round kahit nagkaroon ng 12-day break.

Sasandalan ng mga pa­natiko ng Cagayan na nasa kondisyon pa rin ang mga inaasahan matapos itong maglaro sa Asian Wo­men’s Volleyball Championship sa Thailand.

Bumangon matapos matalo sa Smart-Maynilad ang gagawin ng Air Wo­men para makakalas sa pakikisalo sa Net Spikers sa mahalagang ikatlo at apat na puwesto.

Sasandalan naman ng Army ang straight sets panalo sa Philippine National Police sa pagbubukas ng yugto noong Linggo sa pagharap sa Meralco sa tam­pok na laro dakong alas-4 ng hapon.

Tinalo ng Lady Troo­pers ang Power Spikers sa pagkikita sa eliminasyon ngunit hindi dapat silang magkumpiyansa dahil totodo sa laro ang Meralco upang makahabol sa semis sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

May 3-4 baraha at nasa ikalimang puwesto ang Meralco at dapat silang manalo para hindi makalayo sa kanila ang apat na nangungunang team.

vuukle comment

AIR WO

ASIAN WO

FINAL FOUR

LADY RI

LADY TROO

LADY TROOPERS

MERALCO

NESTOR PAMILAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with