^

PSN Palaro

Gorayeb may panawagan sa mga sports officials

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinimok kahapon ni multi-titled volleyball coach Roger Gorayeb ang mga sports officials na panatilihin ang bi­nuong women’s volleyball team manalo man o hindi sa lalahukang South East Asian Zonal Qualification Tournament sa Vietnam mula Hunyo 14 hanggang 16.

Si Gorayeb na siyang itinalagang coach ng Pambansang koponan ay dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon at kanyang ipinagdiinan na malaki ang potensyal na hawak na koponan na makasabay sa ma­lalakas na bansa sa rehiyon kung patuloy na bibigyan ng suporta ng pamahalaan.

“Ang pakiusap lang namin, kahit hindi na yung coaching staff, na i-maintain na lamang itong team na ito. Maga­galing at malalaki ang mga batang ito,” wika ni Gorayeb.

Makikilatis ang koponan sa pagsali sa Vietnam na kung saan ang mananalo ay aabante sa Asian Zonals sa susunod na taon.

Unang laro ng  koponan ay ang Vietnam habang ang iba pang kasali ay ang Indonesia at Myanmar.

vuukle comment

ASIAN ZONALS

GORAYEB

HINIMOK

HUNYO

MAGA

MAKIKILATIS

ROGER GORAYEB

SI GORAYEB

SOUTH EAST ASIAN ZONAL QUALIFICATION TOURNAMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with