^

PSN Palaro

Uzbeks boxer pinaghandaan ni Bornea

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Panandalian binigyan ng pahinga ng coaching staff si Jade Bornea na siyang nalalabing Pinoy boxer na lu­ma­laban pa sa prestihiyosong 2012 AIBA World Youth Boxing Championships sa Karen Demirchyan Sports and Concerts Complex sa Yerevan, Armenia.

Walang aksyon ang torneo kahapon at si Bornea ay binigyan ng pagkakataon na makapamasyal at makapamili ng ilang pasalubong sa kanyang pag-uwi ng Pilipinas.

Ang bagay na ito ay ginawa para maipahinga kahit ka­unti ang kanyang isipan sa pagdiskarte para sa asam na puwesto sa finals sa light flyweight division.

Kinahapunan ay saka naupo sina Bornea at ang coaching staff na binuo nina Romeo Brin at Elmer Pamisa para panoorin ang tape at diskartehan ng maganda ang katunggaling si Muradhon Akhmadaliyev ng Uzbekistan.

Nahawakan ng 17-anyos tubong South Cotabato na si Bornea ang bronze medal nang talunin si Jack Bateson ng England sa quarterfinals, 16-12.

Si Bornea ang natatanging boksingero mula South East Asia na nakaabot sa medal round at ang Pilipinas ang isa sa 23 bansa na nakaabante sa semifinals.

vuukle comment

BORNEA

ELMER PAMISA

JACK BATESON

JADE BORNEA

KAREN DEMIRCHYAN SPORTS AND CONCERTS COMPLEX

MURADHON AKHMADALIYEV

PILIPINAS

ROMEO BRIN

SI BORNEA

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with