^

PSN Palaro

Howard nanibago sa unang araw sa Lakers

- The Philippine Star

EL SEGUNDO, California - Itinuwid ni Dwight Ho­ward ang kanyang bagong gold jersey at sumama sa kanyang mga teammates para sa isang group photo, nagbibiro at tumatawa habang binabanggit ang salitang ‘cheese.’

Ang superstar center ay isang eight-year NBA vete­ran, ngunit tila ito ang unang araw niya sa eskuwe­lahan.

Sisimulan ni Howard ang kanyang bagong NBA education mula sa Los Ange­les Lakers at kay Ko­be Bryant na gustong turuan si Howard na nais din namang matuto.

“I know he’s going to be tough on me, but I expect that, and I want him to be that,” sabi ni Howard.

 Isinuot nina Howard at Bryant ang kanilang gold uniforms sa unang pagkakataon matapos buksan ng Lakers ang ka­nilang training camp na may bagong line up at mal­aking inaasahan.

Matapos ang dalawang seasons na nagtapos sa kanilang kampanya sa second round ng playoffs, gumawa ng pagbabago sa offseason sina Los Angeles general manager Mitch Kupchak at owner Jim Buss para sa target nilang pang 17 NBA championship.

Makakasama nina Bryant at Howard sa Lakers sina two-time NBA MVP Steve Nash, Pau Gasol at World Peace bukod pa kina Antawn Jamison, Chris Duhon, Steve Blake, Jordan Hill at Jodie Meeks.

vuukle comment

ANTAWN JAMISON

BRYANT

CHRIS DUHON

DWIGHT HO

HOWARD

JIM BUSS

JODIE MEEKS

JORDAN HILL

LOS ANGE

LOS ANGELES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with