Tabora bumandera sa ladies BWC nat'l finals
MANILA, Philippines - Nagpagulong si national bowler Krizziah Tabora ng isang 10-game series na 2131 pinfalls para pamunuan ang 33 iba pang umabante sa second round ng Bowling World Cup national ladies’ finals sa Coronado Lanes sa Mandaluyong City.
Ang 247 ni Tabora ang nagbigay sa kanya ng 96 pins agwat laban kay Liza del Rosario na nagtala ng 2035 kasunod ang 1994 ni Jai Ramirez.
Ang mananalo sa ladies’ division ang magkakaroon ng tsansang katawanin ang bansa sa BWC international finals sa Nobyembre 24 hanggang Disyembre 2 sa Sky Bowling Centre sa Wroclaw, Poland.
Ang iba pang bowlers na nasa kompetisyon pa sa three-day kegfest ay ang magkapatid na Apple (1906) at Lara (1893) Posadas at Lovella Catalan (1874).
Ang natitirang 34 bow-lers ay muling magpapa-gulong sa 10 laro sa Set-yembre 19 sa Paeng’s Midtown para madetermina ang top eight finishers na maglalaban sa match play semifinal at final matches sa Setyembre 21 sa SM Bowling North EDSA lanes.
Ang national men’s at ladies’ champions ang lalahok sa international finals sa Poland.
- Latest
- Trending