^

PSN Palaro

Lady Stags nakauna sa finals

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tila isang practice ga­me lamang para sa Sandugo-SSC ang ikalawang tagisan nila ng Ateneo nang iuwi ang madaling 25-9, 25-14, 25-19, panalo upang umabante na sa Shakey’s V-League Open Finals ka­hapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Nagpasabog si Jeng Bualee ng 22 attack points para ipakita ang angking husay laban sa kulang sa taong Lady Eagles tungo sa 2-0 sweep sa best of three semifinals.

Makakalaro sa best-of-three championship series ng Lady Stags ang mana­nalo sa pagitan ng Cagayan Valley at nagdedepensang Philippine Army sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza bukod pa sa ayuda ng Accel at Mikasa.

Pitong manlalaro sa pangunguna nina Alyssa Valdez, Fill Cainglet, Jorella Marie De Jesus at Amy Ahomiro ang hindi nakapaglaro dahil abala sa kanilang pag-aaral para mawalan ng panlaban ang Ateneo na nagkampeon sa first conference.

Hindi nga umabot sa isang oras ang itinagal ng bakbakan at sina Suzzan­ne Roces at Angela Ben­ting ay may tig-9 na hits na mas mataas pa sa pinakamataas na iskorer ng Lady Eagles na si Dzi Gervacio sa kanyang walong hits.

“Walang pressure sa amin dahil kulang sa tao ang Ateneo at kinapitalisa namin ito,” wika ni Lady Stags coach Roger Go­rayeb

Durog ang Eagles sa attack points, 19-50, at kahit nakabawi sila sa blocks sa tig-5 ay kulang din ang kanilang ipinakita sa service aces nang nakasiyam ang Lady Stags laban sa dalawa lamang ng Lady Eagles.

Samantala, ang Game One ng semifinals ay mapapanood sa AKTV sa Setyembre 18 sa ganap na alas-7 ng gabi habang ang Game Two ay isasaere sa Setyembre 19 sa ganap na alas-5 ng hapon.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ANGELA BEN

ATENEO

CAGAYAN VALLEY

DZI GERVACIO

FILL CAINGLET

GAME ONE

LADY EAGLES

LADY STAGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with