^

PSN Palaro

St. Clare lumapit sa sweep

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Humakbang ang St. Cla­re sa dalawang panalo para makumpleto ang sweep sa eliminasyon nang kalusin uli ang New Era sa 12th NAASCU men’s basketball kahapon sa San An­dres Gym, Manila.

Umagwat agad ang Saints sa Hunters ng 11 puntos sa unang yugto, 23-12, at mula rito ay hindi na nagpabaya pa para ikasa ang ika-10 sunod na panalo sa liga.

Si Eugene Torres ang nanguna sa Saints sa kan­yang 17 puntos bago sumunod sina Jeff Viernes at Jammer Jamito bitbit ang 16 at 10 puntos.

May 14 puntos si Leo Roncal para sa New Era na nalaglag sa 3-7 baraha pero nananatiling nasa ika­apat na puwesto kasalo ang Our Lady of Fatima University at AMA University.

Naging palaban pa ang Titans sa puwesto sa semifinals nang manalo sa Phoenix, 98-84, na nilaro naman sa CP Tinga Gym sa Hagonoy, Taguig City.

Limang manlalaro ng AMA ang gumawa ng hindi bababa sa 10 puntos at nagsanib sa 65 puntos para pagningningin ang panalo.

Tig-12 puntos naman ang ginawa nina Jay Alquisalas, Axl Garcia at Alfred Batino upang ihatid ang Centro Escolar University sa 72-65 panalo sa STI College.

Umangat ang Scor­pions sa 9-1 baraha habang ipinalasap sa Olym­pians ang ikatlong pagka­talo matapos ang 10 laro.

vuukle comment

ALFRED BATINO

AXL GARCIA

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

JAMMER JAMITO

JAY ALQUISALAS

JEFF VIERNES

LEO RONCAL

NEW ERA

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

PUNTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with