^

PSN Palaro

Caligdong ginawang ambassador for sports ng Globe

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tinapik ng Globe Telecom si Emelio “Chieffy” Caligdong bilang kanilang ambassador para sa sports na nagpapatingkad sa estado ng Azkals player bilang isa sa mga tinitingala sa larangan ng football.

“We are very excited to welcome Chieffy as part of our roster of ambassadors. Chieffy is a living proof that a homegrown talent can figure prominently in the international sports arena, giving all of us Filipinos the pride and honor of being represented by a passionate sports icon like him,” wika ni Ernest Cu, ang pangulo at CEO ng kumpanya sa press conference kahapon sa Legend Villas Hotel sa Mandaluyong City.

Ang bagong papel para sa 29-anyos na si Caligdong, assistant skipper ng Azkals ay magreresulta upang makasama siya sa mga programa na gagawin ng Green Archers Globe Footbal Club tulad ng pagtukoy sa mga batang may potensyal sa sport at ang pamamahagi ng kanyang kaalaman sa isasagawang clinics sa 2013.

“Dream come true ito para sa akin dahil matagal ko nang gustong mapasama sa programa na makakatulong para sa development ng football. Hanggang nandito ako, magiging isa ako sa inspirasyon ng mga bata hindi lamang sa pagla­laro kundi pati sa tamang pag-uugali,” ani Caligdong.

Ang pagtuturo ng football sa kabataan ay bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng Globe na ang layunin ay himukin ang mga may kaya sa pagpapatayo ng 10,000 classrooms na gagamitin ng mga pampublikong paaralan sa pamamagitan ng The Entire Nation (TEN) Moves.

vuukle comment

AZKALS

CALIGDONG

CHIEFFY

CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY

ENTIRE NATION

ERNEST CU

GLOBE TELECOM

GREEN ARCHERS GLOBE FOOTBAL CLUB

LEGEND VILLAS HOTEL

MANDALUYONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with