^

PSN Palaro

Torculas binuhat San Beda sa OT

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Torculas binuhat San Beda sa OT
inandigan ng defending champion San Beda si Aldous Torculas laban sa Letran.
NCAA

MANILA, Philippines —  Isinalpak ni Aldous Tor­culas ang pinaka-impor­tanteng puntos upang akbayan ang defending champion San Beda University sa 74-65 overtime win kontra Letran sa NCAA Season 102 seniors basketball tournament na nilaro sa Playtime FilOil EcoOil Centre sa San Juan City kagabi.

Nirehistro ni Torculas ang 18 points, limang rebounds at dalawang steals para sa Beda na nilapa ang pangalawang sunod na panalo at mapaganda ang kanilang karta sa 4-2.

Kumpiyansang pumukol ng tres si Torculas upang itabala ang iskor sa 61-all may 4.1 segundo na lang ang nalalabi sa orasan.

Isang matinding depensa naman ang ipinakita ng San Beda para hindi makatira ng maganda ang Letran kaya nauwi sa overtime game ang laro.

Naging matatag ang Red Lions sa extra period, pumukol na naman si Torculas ng panelyong tres para ilayo ang iskor at ikahon ang panalo.

“We just had to be able to stay true to the habits that we built,” sabi ni coach Yuri Escueta. “That’s what San Beda basketball is and I think we were able to do that defensively even if we struggled offensively.”

Sa unang laro, nalusutan ng College of Saint Benilde ang San Sebastian College-Recoletos sa first half matapos ilista ang 73-66 panalo.

Nagliyab ang opensa ni Joshua Cajucom upang iangat ang Blazers sa 5-1, para itarak ang pinakamagandang rekord nila sa dalawang grupo ng NCAA, habang laglag ang Stags 0-6 kartada.

RED LIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with