^

PSN Palaro

Beermen humigpit ang kapit sa No. 1

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ibinuhos ng San Miguel Beermen ang kanilang laro sa huling yugto upang angkinin ang 91-77 panalo laban sa Bangkok Cobras sa AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ibinagsak ni Roger Yap ang lahat ng walong puntos na ginawa sa laro sa hu­ling yugto upang sindihan ang 14-4 palitan at ilayo ang Beermen sa 11 puntos matapos manakot ang Cobras sa 64-65 sa apat na sunod na free throws nina George Travis at Jai Reyes.

Apat na manlalaro sa pangunguna ni Nick Fazekas na mayroong 25 puntos at 15 rebounds ang guma-wa ng doble-pigura para sa tropa ni coach Bobby Ray Parks Sr. na ngayon ay mayroong 16 panalo sa 20 laro at mangangailangan na lamang na magwagi pa sa Saigon para tuluyang angkinin ang number one seeding.

Si Chris Banchero ay naghatid ng 22 puntos, 7 steals at 4 assists habang sina Leo Avenido at Duke Crews ay may 13 at 12 puntos para itulak ang Cobras sa ika-12 kabiguan matapos ang 18 laro.

Samantala, sisikapin ng AirAsia Philippine Patriots na walisin ang tatlong pagkikita sa eliminasyon nila ng Westports Malaysia Dragons ngayong gabi sa nasabi ring venue na handog ng PG Flex Linoleum.

 Nais ni Patriots coach Glen Capacio na totodo uli ang larong ipakikita ng kanyang koponan lalo na sa depensa dahil na rin sa katotohanang malapit nang umabot ang liga sa playoffs  

vuukle comment

BANGKOK COBRAS

BASKETBALL LEAGUE

BOBBY RAY PARKS SR.

DUKE CREWS

FLEX LINOLEUM

GEORGE TRAVIS

GLEN CAPACIO

JAI REYES

LEO AVENIDO

NICK FAZEKAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with