Lakers nakaiskor sa Warriors

LOS ANGELES, Philippines — Umiskor si Walker Kessler ng 26 points mula sa perpektong 12-for-12 field goal shooting sa kanyang debut sa 127-105 panalo ng Lakers sa Golden State Warriors.
Nagkadena si Luka Doncic ng 28 points, walong rebounds at pitong assists para sa Los Angeles bago ipinahinga sa fourth quarter, habang nagdagdag si Austin Reaves ng 23 markers.
Nakahugot ang Golden State ng 23 points kay Stephen Curry sa pagsisimula ng kanyang 18th season.
Nakipagsagutan sa second period si Doncic kay Warriors rookie Yaxel Lendeborg na tinawagan ng technical foul.
Ipinasok ni Doncic ang isang half-court shot sa pagtunog ng halftime buzzer sabay turo kay Lendeborg.
Nagtala si Lendeborg ng 12 points, habang may 14 markers si Brandon Williams para sa Golden State.
Sa Miami, kumonekta si Anthony Edwards ng siyam na 3-pointers para tumapos na may 45 points sa 131-106 pagdiskaril ng Minnesota Timberwolves sa debut ni Giannis Antetokounmpo sa Heat.
Bumanat si Antetokounmpo ng 35 points para sa Miami.
Sa iba pang laro, wagi ang Washington Wizards sa Milwaukee Bucks, 128-116; panalo ang Atlanta Hawks sa Orlando Magic, 132-125; dinaig ng Toronto Raptors ang Chicago Bulls, 135-92; pinadapa ng Indiana Pacers ang New Orleans Pelicans, 123-120; at pinasabog ng Houston Rockets ang Dallas Mavericks, 128-110.
- Latest


















