Highrisers gumuho sa Chameleons

MANILA, Philippines — Pinabagsak ng Nxled ang Galeries Tower, 25-16, 22-25, 25-17, 25-19, para sa kanilang ikatlong dikit na ratsada sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab leg kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.
Humataw si Jonah Sabete-Escamillan ng 22 points mula sa 18 attacks, tatlong blocks at isang service ace kasunod ang 14 markers ni MJ Phillips para sa 3-0 record ng Chameleons.
Nagkadena si three-time MVP Brooke Van Sickle ng 12 points at 13 excellent digs, habang may 20 excellent sets si setter Gel Cayuna at may 10 excellent digs si veteran libero Bang Pineda.
“Well, it’s nice to see that we have the same resilience that we showed in the last part of the PVL On Tour, and especially during the Invitational,” sabi ni Italian coach Ettore Guidetti.
Nahulog ang Highrisers sa kanilang pangatlong sunod na kamalasan.
Nakatabla ang Galeries Tower sa second set, 25-22, sa likod nina Alyssa Bertolano, Jean Asis, Erika Deloria at Lycha Ebon.
Ngunit bumalik sa kanilang pamatay na porma ang Nxled para angkinin ang dalawang sumunod na sets at tapusin ang laro sa loob ng isang oras at 45 minuto.
Pinamunuan ni Bertolano ang Highrisers sa kanyang 13 points at may tig-pitong marka sina Deloria at Ebon.
Sa ikalawang laro, umeskapo ang Farm Fresh sa Choco Mucho, 20-25, 26-28, 25-23, 25-25, 15-13.
Bumangon ang Foxies mula sa 19-25, 17-25, 25-23, 25-20, 12-15 pagkatalo sa Chameleons para sa kanilang 2-1 baraha.
Nadisakril ang hangad na ikatlong sunod na ratsada ng Flying Titans para sa 2-1 kartada.
- Latest


















