^

PSN Palaro

Avenido Nagbida Sa Beermen

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Gumawa ng kanyang season high na 33 puntos si Leo Avenido upang pangunahan ang 86-78 panalo ng San Miguel Beermen laban sa Bangkok Cobras na nagtagisan kahapon sa 3rd AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) na ginawa sa Chulalongkorn Uni­versity sa Bangkok, Thai­land.

Ang marka na ito ni Ave­­nido na bumanat pa ng anim na tres, ang pina­kama­taas na nagawa niya bilang isang Beermen upang bigyan ang koponan ng ikalimang sunod na pa­nalo at manatiling nakakapit sa ikalawang puwesto sa 10-3 baraha.

Si Dalron Johnson ay mayroong 20 puntos at sila ni Avenido ay nagsanib sa 32 puntos sa first half para tulungan ang bisitang koponan na makalayo sa 43-33 kalamangan.

Lumawig ito sa 66-53 sa ikatlong yugto dala ng tatlong tres pa ni Avenido habang si Aries Dimaunahan ay nagpakawala ng da­lawang tres tungo para itala ang pinakamalaking ka­lamangan sa laro na 19 puntos, 81-62.

Nag-ambag pa ng 12 puntos si Jarrid Famous habang si Dimaunahan na nagbabalik-aksyon matapos silbihan ang one-game suspension ay may 10 pun­tos mula sa bench.

Nanguna sa home team si George Travis sa kan­yang 20 puntos habang si Marvin Curz ay naghatid ng 16, may 15 puntos, 12 rebounds, 8 assists at 2 steals si Gentry Lewis habang si Jai Reyes ay tumapos taglay ang 14 puntos.

Solido man ang kontri­busyon mula sa apat na ina­asahan ay hindi pa rin ito sapat para pigilan ang pag­katalo na tumapos sa 2-dikit na panalo ng expansion team ng Thailand at malaglag sa 5-7 karta.

vuukle comment

ARIES DIMAUNAHAN

AVENIDO

BANGKOK COBRAS

BASKETBALL LEAGUE

CHULALONGKORN UNI

GENTRY LEWIS

GEORGE TRAVIS

JAI REYES

PUNTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with