^

PSN Palaro

Bustamante igaganti si Reyes sa pagharap kay Ko

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Ipaghiganti ang pagka­talo ng kumpadre ang isa sa balak gawin ni Francisco Bustamante sa pagbangga kay Ko Pin Yi ng Chinese Taipei sa pagpapatuloy ng Philippine Bigtime Billiards (PBB) Face Off Series bukas sa PAGCOR Airport Casino sa Parañaque City.

“Igaganti ko si Pareng Efren (Reyes),” bulalas ni Bustamante. “Hindi ko bi­biguin ang mga kababa­yan ko.”

Si Ko ay sariwa sa 9-4 panalo laban kay Reyes sa unang sargo ng PBB sa 2012 na makikilala rin bilang Philippines vs Asia.

Dala ng magandang pa­nalo, si Ko ay mas pina­pa­boran laban kay Bustamante sa betting odds Sports Betting Mega Sports World.

Lumalabas na may dibidendong $2.02 ang bawat $1 na taya para kay Bustamante laban sa $1.55 sa $1 pusta para sa Taiwanese pool player.

Ang palarong ito ay inor­ganisa ng Mega Sports World at BRKHRD Corp. at mapapanood sa Solar Sports, Sky Channel 70 at Destiny Channel 34 bukod sa internet gamit ang websites na www.megasportsworld.com at www.philippinebigtimebilliards.com.

Ikalawang pagkakataon na masasalang si Bustamante sa race to 9, 10-ball, winner’s break format na palaro at ang una ay nangyari noon pang Nobyembre at tinalo nito ang sikat na si Daryl Peach ng Great Britain sa dikitang 9-8 iskor.

vuukle comment

AIRPORT CASINO

BUSTAMANTE

CHINESE TAIPEI

DARYL PEACH

DESTINY CHANNEL

FACE OFF SERIES

FRANCISCO BUSTAMANTE

GREAT BRITAIN

KO PIN YI

MEGA SPORTS WORLD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with