^

PSN Palaro

2 dikit sa Lady Altas sa 87th NCAA volleyfest

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kinuha ng host University of Perpetual Help System Dalta ang ikalawang sunod na panalo matapos pabagsakin ang Mapua, 25-1, 25-17, 25-9, sa pagpapatuloy kahapon ng 87th NCAA volleyball sa Ninoy Aquino Stadium.

Sina Janice Jabar, Norie Jane Diaz, Sandra delos Santos, Honey Royse Tubino at Angelique Dionela ang mga nagtulung-tulong para isunod ang Lady Cardinals sa Lyceum na naunang tinalo ng Lady Altas.

Ang 25-1 iskor ang ma­sa­sabing pinakamalaki sa isang set at patunay ito sa kahandaan ng Lady Altas sa planong kampeonato sa kanilang dibisyon.

Dahil kontrolado ang la­ban, naipasok pa ng Lady Altas ang kanilang reserves para sa mahalagang expo­sures na magagamit ng koponan sa mga susunod nilang laban.

Ang pagkatalo ng Ma­pua ay kanilang ikalawang sunod matapos dumapa rin sa Arellano sa kanilang unang asignatura.

Nakapanggulat naman ang Emilio Aguinaldo College nang manalo sila sa juniors at women’s matches laban sa mas malakas na College of St. Benilde.

Humirit ng 25-8, 25-11, 25-14, panalo ang Brigadiers laban sa Greenies sa juniors play habang naitakas ng Lady Generals ang 21-25, 25-20, 25-15, 23-25, 15-12 panalo sa Lady Blazers.

Binawi naman ng Bla­zers ang magkasunod na kabiguan nang manalo sa Generals sa limang sets, 25-15, 15-25, 25-23, 22-25, 15-9.

vuukle comment

ANGELIQUE DIONELA

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

HONEY ROYSE TUBINO

LADY ALTAS

LADY BLAZERS

LADY CARDINALS

LADY GENERALS

NINOY AQUINO STADIUM

NORIE JANE DIAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with