^

PSN Palaro

Baste wala pa ring mantsa; Letran lusot sa JRU

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi pa rin napigilan ang tatlong kamador ng San Sebastian para palawigin ang pagpapanalo sa 11-0 sa pamamagitan ng 97-70 panalo sa Arellano University sa pagpapatuloy ng 87th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 24 puntos si Ian Sangalan, 23 si Calvin Abueva at 17 si Ronald Pas­cual para sa Stags na humarurot sa ikalawang yugto para mapanatili ang malinis na kartang tangan sa 10-koponang liga.

“Lagi kong ipinaaalala sa kanila na lahat ng teams ay palaban at hindi dapat sila nagkakaroon ng kumpiyansa,” wika ni Stags coach Topex Robinson.

May pitong rebounds at walong assists pa si Pas­cual para sa isang all-around game habang si Anthony Del Rio ay tumapos pa ng 10 puntos.

Mula sa limang puntos kalamangan matapos ang first period ay nagpakawala ng 25-11 palitan ang Stags at Chiefs upang hawakan ng Baste ang 42-23 bentahe sa halftime.

Hindi na nakabangon pa ang Chiefs na hindi na­gamit ang serbisyo ng coach na si Leo Isaac dahil sa scouting trip sa US.

Nauna rito, lumapit naman sa ka­lahating laro agwat sa pangalawang puwesto ang Letran nang iuwi ang 75-56 tagumpay sa Jose Rizal University.

Si Kevin Alas ay mayroong 17 puntos, 6 rebounds at 5 assists para sa Knights na unti-unting nila­yuan ang Heavy Bom­bers sa second half tungo sa ikalimang sunod na pa­nalo at kabuuang 9-2 karta.

“Key dito ang reboun­ding namin lalo na sa third quarter kaya nakapagdomina kami,” wika ni Knights coach Louie Alas.

Inakala ng mga sumak­si sa laro na dikitan ang labanan dahil tabla ang magkabilang koponan sa 31-all sa halftime at angat lamang ng tatlo, 46-43, ang Knights matapos ang tatlong yugto.

Pero binulaga ng Letran ang tropa ni coach Vergel Meneses ng isang 25-9 run upang lumayo sa 71-52.

San Sebastian 97 – Sangalang 24, Abueva 23, Pascual 17, Del Rio 10, Dela Cruz 9, Miranda 8, Ferrer 4, Balabanag 2.

Arellano 70 – Celada 13, Zulueta 13, Lapuz 11, Doligon 8, Pagayunan 8, Acidre 6, Salcedo 5, Palma 2, Del Rosario 2.

 Quarterscores: 17-12, 42-23, 73-44, 97-70.

vuukle comment

ANTHONY DEL RIO

ARELLANO UNIVERSITY

CALVIN ABUEVA

DEL RIO

DEL ROSARIO

DELA CRUZ

HEAVY BOM

IAN SANGALAN

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with