^

PSN Palaro

Unang panalo sa quarterfinals asam ng Lady Stags

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Bubuksan ng San Se­bastian College ang ka­nilang kampanya sa quar­terfinal round sa paki­ki­pagharap sa Philippine Air Force sa Shakey’s V-League Open Confe­rence sa The Arena sa San Juan.

Maglalaban ang Lady Stags at Airwomen nga­yong alas-2 ng hapon kasunod ang paghaharap ng Lady Sailors ng Philippine Navy at Water Dragons ng Maynilad sa alas-4.

Kapwa nagtapos na may 5-1 rekord ang San Se­bastian at Philippine Ar­my sa elimination round, sa­mantalang ang Maynilad na­man ang pinakahuling na­kapasok sa quarterfinals ma­tapos igupo ang Perpe­tual Help sa kanilang playoff match noong Linggo.

Tinalo na ng Lady Stags ang Airwomen via three-setter sa season-ending con­­ference noong Hulyo 31.

Itatampok muli ng San Sebastian si American top spiker at blocker Lauren Ford bukod pa kina Thai im­port Jang Baulee, Joy Benito, Rubie de Leon, Janet Doria at Jill Gustilo ka­sama ang leading receiver ng liga na si Mary Ja­ne Pepito.

Sasandalan naman ng Air Force sina dating MVP Aiza Maizo, Cherry Vivas, Wendy Semana, Jennifer Manzano, Liza Deramos at Amelia Guanco.

Ang Lady Troopers ang unang nagtala ng panalo sa quarterfinals matapos biguin ang Lady Sailors, 25-20, 25-20, 26-24.

AIR FORCE

AIZA MAIZO

AMELIA GUANCO

ANG LADY TROOPERS

CHERRY VIVAS

JANET DORIA

LADY SAILORS

LADY STAGS

SAN SE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with