^

PSN Palaro

Maghanda ka nang todo!

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Binalaan ni Mexican challenger Juan Manuel Marquez si WBO welterweight champion Manny Pacquiao na maging handa sa gabi ng kanilang upakan sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“Pacquiao better come prepared like never before,” sabi ni Marquez. “I will come prepared and it is a fight for everyone to enjoy, especially for the Mexican fans.”

Itataya ng 32-anyos na si Pacquiao ang kanyang hawak na WBO welterweight crown laban sa 38-anyos na si Marquez na kanya nang hinarap noong Mayo ng 2004 at Hunyo ng 2008.

Sa kabila ng tatlong be­ses na pagbagsak sa first round, isang draw pa rin ang nailusot ni Marquez sa kanilang unang banggaan ni Pacquiao, habang isang split decision naman ang inangkin ni ‘Pacman’ upang agawin sa Mexican ang suot nitong WBC super featherweight belt sa kani­lang rematch.

Ang ‘trilogy’ ang tatapos sa mga parinig ni Marquez na siya ang nanalo sa kanilang dalawang ulit na pagtatagpo ng Filipino world eight-division champion.

Ipinakita ni Marquez ang kanyang kahandaan para sa kanilang laban ni Pacquiao matapos pabagsakin si Likar Ramos ng Colombia sa first round ng kanilang 10-round lightweight non-title bout noong Linggo sa Plaza de Toros sa Cancún, México.

Isang matulis na right hand ni Marquez ang nagpatulog sa 25-anyos na si Ramos sa 1:47 ng ope­ning bell. Si Marquez, ang kasalukuyang WBO at WBA lightweight titlist.

Nakatakdang idepensa ni Pacquiao, may 53-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, ang kanyang WBO welterweight crown laban kay Marquez (53-5-1, 39 KOs).

 Samantala, bubuksan na ang bentahan ng tiket para sa Pacquiao-Marquez III sa Hulyo 22 kung saan ang mga presyo nito ay $1,200, $900, $600, $400 at $200. Ang mga tiket na nagkakahalaga ng $1,200, $900, $600 at $400 magi­ging limitado sa 10 tao at ang ticket sales sa $200 ay para lamang sa dalawang tao.  

vuukle comment

BINALAAN

HULYO

HUNYO

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

LIKAR RAMOS

MARQUEZ

PACQUIAO

SI MARQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with