Grant darating sa Pinas para sa NBA 3-on-3
MANILA, Philippines - Napili ng NBA ang Pilipinas upang siyang pagdausan ng kauna-unahang NBA 3-on-3 na ilalarga mula Hulyo 1 hanggang 3 sa Music Hall ng SM Mall Of Asia.
Limang age groups ang puwedeng salihan ng mga mahihilig sa 3-on-3 at magpapatingkad sa unang edisyon ay ang pagdating ng NBA legend na si Horace Grant bukod pa sa Knicks City Dancers.
Unang pagbisita ito ng 6’10 na si Grant sa bansa at siya ay kilalang NBA player matapos mapasama sa Chicago Bulls champion team mula 1990-91 hanggang 1992-93 at sa L.A. Lakers noong 2000-01 season.
“I’m really looking forward to my trip in the Philippines. I’ve heard that it’s a nation that loves basketball and I can’t wait to meet the participants of the NBA 3-on-3,” wika ni Grant sa kanyang statement.
Habang nasa bansa ay magdaraos din siya ng basketball clinics bilang bahagi ng NBA Cares.
Pormal na inilunsad ang programang ito kahapon sa National Sports Grill na kung saan isa sa malaking bagay sa pagkakapili ng Pilipinas upang siyang pagdausan ng unang edisyon ng NBA 3-on-3 ay dahil sa init ng pagtanggap ng basketball ng mga Filipino.
“I’m not surprise to see this country host the first NBA 3-on-3 because the passion for basketball is unmatched,” pahayag ni NBA Sr. Director for Globan Marketing Ed Winkle.
FIBA rules ang ipaiiral sa kabuuan ng kompetisyon at ang paglalabanang dibisyon ay 13 & under boys division, 15 & under boys and girls division, 17 & under boys division, 19 & under boys and girls division at open men’s division.
Maisasakatuparan ang proyektong ito dahil sa pagtulong ng Sprite bilang presentor at suporta ng Solar TV, Energen, Spalding at SM Mall of Asia.
- Latest
- Trending