^

PSN Palaro

Pharex, FCA pasok na sa Q'finals

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nakuha ng Pharex ang pormang nagbigay sa kanila ng maagang dalawang dikit na panalo sa group elimination upang sorpresahin ang mas pinaborang Cobra Energy Drink, 96-66, sa pagtatapos ng 1st round playoffs ng PBA D-League Foundation Cup kahapon sa The Arena sa San Juan.

 Agad na umarangkada ang Pharex sa simula ng labanan at hindi na pinabawi pa ang Ironmen gamit ang matibay na depensa para mapawi ang 2-4 karta sa group elimination at manatiling buhay ang hangaring mapanalunan ang titulo sa liga.

 Mula sa 25-18 first period kalamangan ay lalong nagbaga ang mga kamay ng Bidang Generix para matapos ang unang 20 minuto ng sagupaan ay hawak na nila ang 46-30 kalamangan.

 Si Lee na nangunguna sa pagpuntos sa classification round sa kanyang 23 kada laro ay nagtala lang ng 19 para mamaalam na ang tropa ni coach Lawrence Chongson.

 Napangatawanan naman ng FCA Cultivators ang pagiging paborito laban sa RnW Pacific Pipes nang makabangon ang koponan mula sa 36-49 iskor at manalo pa, 65-61, sa unang labanan.

 Pharex 96--Mangahas 17, Aguilar 14, Asoro 14, Viernes 9, Taylor 9, Adolfo 8, Banal 7, Morial 6, Cabonce 6, Losentes 3, Siruma 3.

Cobra 6--Lee 19, Acibar 12, Bandaying 10, Hermosisima 8, Boloran 7, Foronda 4, Sanga 4, Rosopa 2.

Quarterscores: 25-18; 46-30; 71-47; 96-66.

vuukle comment

ACIBAR

ADOLFO

AGUILAR

BIDANG GENERIX

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

LAWRENCE CHONGSON

PACIFIC PIPES

PHAREX

SAN JUAN

SI LEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with