^

PSN Palaro

Francisco biktima ng home town decision

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Pinagbayaran ng malaki ni Drian Francisco ang ‘di pagpapatulog kay Terrapith Singwancha nang makalu­sot ang Thai challenger ng unanimous decision pa­­nalo sa interim title fight kahapon sa Muang District, Petchaburi, Thailand.

Halos napakagat sa labi ang mga sumusuporta sa Thai challenger sa eight round nang tamaan ang ka­nilang iniidolo ng tatlong matitinding uppercut na nagpayanig sa tuhod nito.

Pero hindi bumigay at tila humugot ng lakas si Terrapith sa mga kababayan upang maalpasan pa ang round at matapos ang 12-round bout.

Nakalaban pa nga ito ng sabayan kay Francisco sa sumunod na apat na rounds upang makumbinsi ang tatlong hurado na ibi­gay sa kanya ang laban at maagaw ang WBA interim super flyweight title sa da­ting Filipino champion.

Sina referee Raul Cais Jr. at Francisco Martinez ay nagbigay ng 114-113 iskor habang di kapani-pa­ni­walang 117-111 naman ang iginawad ni Takeshi Shi­makawa ng Japan para maipaghiganti rin ni Terra­pith ang nalasap na 10th round KO kabiguan ng kababayang si Duangpetch Kokietgym sa kamay ni Francisco nang nagkita noong Nobyembre 30 sa Nong Khai province.

Ang panalo rin ay nagselyo sa husay ni Terrapith laban sa mga Filipino boxers dahil si Francisco ang ikawalong Pinoy na kanyang tinalo sa kanyang career upang mailista ang ika-16th panalo sa18 laban.

“Groggy na siya pero naka-survive pa. Pero hin­­di naman tapos ang ca­reer ko at babalik ako na mas malakas dahil sa ka­rana­san kong ito,” wika ni Francisco na pinalakpa­kan din ng mga Thai crowd matapos igawad ang desisyon.

Unang kabiguan sa 22 laban ito ni Francisco at naunsiyami ang hangad nitong title showdown sa WBA champion Hugo Cazares sa di inaasahang ka­biguan.

vuukle comment

DRIAN FRANCISCO

DUANGPETCH KOKIETGYM

FRANCISCO

FRANCISCO MARTINEZ

HUGO CAZARES

MUANG DISTRICT

NONG KHAI

PERO

RAUL CAIS JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with