Cardinals lusot sa Altas sa OT
MANILA, Philippines — Humirit ng extra period ang Mapua University upang sikwatin ang 65-60 panalo kontra University of Perpetual Help System DALTA sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa Playtime FilOil Centre sa San Juan City.
Sinandalan ng Cardinals ang mainit na opensa ni Marc Cuenco upang irehistro ang five-game winning streak at saluhan sa No. 4 spot sa Group A ang defending champions San Beda Red Lions tangan ang parehong 5-3 karta.
Nagtala si Cuenco ng 17 points, walong rebounds at dalawang assists.
Laglag ang Altas sa pang-anim na talo sa walong salang.
Nagtala ang Mapua ng 12-0 atake sa fourth quarter para maagaw ang 54-52 bentahe sa huling dalawang minuto ng fourth period mula sa 42-52 pagkakabaon.
Nakaiskor ang Perpetual para dalhin ang laro sa overtime, 54-54.
Sinimulan ni Cuenco extra period sa pagsalpak na isang three-point shot upang ibigay sa Cardinals ang 57-54 kalamangan.
Ang three-point play at free throw ni Cuenco ang tuluyan nang nagpatumba sa Altas.
- Latest

















