Back-to-back wins target ng Creamline vs Galeries
MANILA, Philippines — Lalabanan ng Cool Smashers ang Highrisers ngayong alas-6 ng gabi, habang magkikita sa ala-1 ng hapon ang Nxled Chameleons at Farm Fresh Foxies sa Playtime FilOil Centre sa San Juan City.
Sinimulan ng Creamline ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 25-18, 25-21, 25-18 pagwalis sa Akari sa harap ng 19,106 fans sa pagbubukas ng Siklab leg sa SM Seaside Cebu Arena noong nakaraang Sabado.
Sa nasabing panalo ng Cool Smashers kontra sa Chargers ay nagtala si Jema Galanza ng game-high 16 points at 14 excellent receptions, habang may ambag din sina Pangs Panaga, Michele Gumabao, Ishie Lalongisip, Bea De Leon, Tots Carlos at team captain Alyssa Valdez.
“Malaking bagay sa amin na lahat ng players namin talagang nagko-contribute kapag pinapasok,” sabi ni coach Sherwin Meneses. “Talagang kailangan nilang magtrabaho kapag ma-lineup sila.”
Determinado naman ang Galeries Tower na makabangon mula sa 23-25, 22-25, 15-25 kabiguan sa Farm Fresh.
Samantala, mag-uunahan din sa paghataw ng back-to-back wins ang Nxled at Farm Fresh.
- Latest





















