^

PSN Palaro

Bulls, Sharks itatakda ang finals sa BP

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Okupahan ang puwes­to sa championship round ang balak gawin ngayon ng walang talong Batangas Bulls at ng nagdedepensang kampeon na Manila Sharks sa paglarga ng Dun­kin’ Donuts Baseball Phi­lippines Series VII nga­yon sa Felino Marcelino Me­morial Baseball Field

Kalaban ng Bulls ang Ala­bang sa unang laro ga­nap na alas-9 ng umaga bago sumunod ang Sharks na suportado ng Harbour Centre na makikipagtuos sa Cebu dakong ala-1 ng ha­pon.

Tinapos ng Bulls ang eliminasyon sa 5-0 karta habang 4-1 naman ang Sharks kung kaya’t ang da­lawa ay magtatangan ng twice-to-beat advantage sa Tigers at Dolphins na nagsalo sa 2-3 baraha.

Paborito ang Bulls at Sharks sa kalaban dahil sa angking lalim ng manlalaro mula sa hitters at pitchers.

Ngunit hindi naman ito garantiya na bibigay na la­mang ang Alabang at Cebu lalo nga ang huli na nagbabaka-sakali pa ring maging palaban sa asam na ikatlong titulo sa ligang inorganisa ng Community Sports Inc.

vuukle comment

ALABANG

BASEBALL FIELD

BATANGAS BULLS

CEBU

COMMUNITY SPORTS INC

DONUTS BASEBALL PHI

FELINO MARCELINO ME

HARBOUR CENTRE

MANILA SHARKS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with