^

PSN Palaro

Marquez may nais patunayan sa pagsagupa kay Katsidis

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Sisikaping ipakita ni Juan Manuel Marquez na karapat-dapat pa siyang harapin ni eight division world champion Manny Pac­quiao sa pagsagupa nito kay Michael Katsidis ngayon sa Las Vegas Ne­v­a­da.

Paglalabanan nina Marquez at Katsidis WBA super lightweight at WBO super lightweight title na hawak ng Mexicano matapos talunin si Juan Diaz noong Hulyo 31.

Kailangang manalo ng 37-anyos na si Marquez sa nasabing laban upang maikonsidera siya bilang posibleng katunggali ni Pac­quiao sa 2011.

Inihayag ni Freddie Roach na nais niyang ma­kaharap uli ni Pacquiao si Marquez na nagbigay sa Pambansang kamao ng da­lawang di malilimutang labanan.

Nagtabla ang unang pag­tutuos noong 2004 ba­go nailusot ni Pacquiao ang split decision na panalo sa huling pagtatapat noong 2008. Pero ipinagdidiinan ni Marquez na siya pa rin ang nanalo sa laban at napaboran lamang ng mga hurado si Pacquiao kaya nanalo.

Nais ni Roach na la­ba­nan si Marquez uli upang mapatahimik na ito ng tulu­yan at ang laban ay dapat isagawa sa 147 pound division o 12 pounds mas mataas sa dibisyong pinaghaharian ni Marquez.

 May 51-5-1 kasama ang 37 KO karta si Marquez habang si Katsidis ay mayroong 27-2-0, 22 KO baraha at inaasahang magiging mainitan ang nasabing laban na posibleng mauwi pa sa knockout dahil parehong kilala ang dalawa sa lakas ng pagsuntok. 

vuukle comment

FREDDIE ROACH

JUAN DIAZ

JUAN MANUEL MARQUEZ

KATSIDIS

LAS VEGAS NE

MANNY PAC

MARQUEZ

MICHAEL KATSIDIS

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with