^

PSN Palaro

Margarito nanginginig at nanghihina--Fernandez

- Abac Cordero -

DALLAS--Sinabi ni Bu­boy Fernandez na nakita niya ang gusto niyang makita sa official weigh-in.

At kasama na rito si Antonio Margarito na lubhang nahirapan sa pagkuha sa catchweight na 150 pound para sa kanilang title fight ni Manny Pacquiao.

Si Fernandez, ang ta­nging Filipino sa corner ni Pacquiao tuwing may laban, ay ilang dipa lang ang layo kay Margarito nang hubarin ng Mexican ang kanyang suot na Dolce at Gabbana outfit at tumimbang ng 150 flat.

Sinabi ni Fernandez na mukhang ginutom ni Margarito ang kanyang sarili dahilan sa panginginig ng katawan ng dating welterweight champion.

“Pumiga talaga. Kanina paghubad lang ng damit makikita mo parang na­ngingi­nig eh,” wika ni Fernandez.

Tumimbang naman si Pacquiao sa 144.6 na mas mababa pa sa napagkasunduang catchweight na 150.

Sinabi ni Fernandez na aakyat si Pacquiao ng ring sa bigat na 147 o 148 lbs, ang kanyang natural na fighting weight.

Unang umakyat ng stage si Margarito at nagdekwatro ngunit hindi masyadong gumagalaw.

Sa kanyang suot na sunglasses, ngumiti siya sa crowd at sumenyas ng thumbs-up sign.

Isang malaking bote ng protein shake ang iniabot kay Margarito, halatang na­nunuyot at nanghihina, at kanyang inubos pagbaba niya ng stage.

Ang kanyang kaliwang braso ay nakahawak sa balikat ni trainer Robert Garcia na ang kanang braso ay nakayakap sa baywang ng Mexican fighter.

Nagharap sina Pacquiao at Margarito sa harap ng mga camera, at habang papunta si Pacquiao sa kan­yang grupo ay itinuro niya kay trainer Freddie Roach ang tila panganga­tog ni Margarito.

Dumating si Pacquiao sa weigh-in sa kanyang pa­boritong jeans, running shoes, dilaw na t-shirt, isang pulang Team Pacquiao jacket at malaking pu­ting bonnet ng brand ng shampoo na kanyang ine­endorso sa Pilipinas.

Sinabi ni strength and con­ditioning coach Alex Ari­za na nakita niya minsan si Margarito na tumakbo ng alas-8 ng gabi na siyang sin­tomas na may problema ito sa timbang.

“Nahirapan talaga. I saw him on the treadmill the other day, and they even went to the sauna. I heard he was at 158 two weeks ago,” sabi naman ni Fernandez.

vuukle comment

ALEX ARI

ANTONIO MARGARITO

FERNANDEZ

FREDDIE ROACH

KANYANG

MARGARITO

PACQUIAO

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with