^

PSN Palaro

Indonesia 'di pa rin nakalusot sa RP Patriots

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kinailangan ng Philippine Patriots na kakitaan ng gilas sa huling mga tagpo ng laro nila ng Satria Muda BritAma ng Indonesia bago naitakas ang 75-69 panalo sa pagpapatuloy ng AirAsia ASEAN Basketball League (ABL) Season 2 nitong Sabado sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Halos nagkukumahog ang nagdedepensang kam­peon sa kabuuan ng labanan at nakalayo pa ang Indonesian team sa 63-57, nang tila nagising ang alab ng paglalaro ng Patriots.

Nagtulung-tulong sina Egay Billones, Donald Little at Benedict Fernandez sa pinakawalang 18 puntos ng host team habang ang depensa nila ay sumentro sa naunang mainit na si Marcus Morrison upang magkaroon na lamang ng apat na puntos ang bisitang koponan sa huling 6:53 ng labanan.

“Very inconsistent ang depensa namin. Four mi­nutes ay maganda ang de­pensa pero sa susunod na four minutes ay wala ka­ming depensa. Akala nila ay madadaan namin ang panalo sa shootout,” wika ni coach Louie Alas.

Ang 6’10 na si Little na naglaro sa ikatlong pagka­kataon ng mag-isa dahil sumakit uli ang kanang binti ni Anthony Johnson dala ng hamstring injury, ang tumayong puwersa nang humablot ito ng pinakamataas niyang 25 rebounds bukod pa sa 11 puntos at 2 blocks.

Anim na puntos nga ang ibinagsak ni Little matapos ang anim na puntos na kalamangan ng Satria Muda habang si Billones ay umako ng walo kasama ang apat na free throws sa huling mga segundo upang matiyak ng Patriorts ang ikalimang sunod na panalo.

Samantala, nakuha naman ng Westports KL Dragons ang ikalawang sunod na tagumpay matapos ang limang laro nang kapitalisahin nila ang pagkakaroon ng eye infections ng karamihan sa Brunei Barracudas tungo sa 87-48 tagumpay na nilaro naman sa MABA Gym sa Malaysia.

vuukle comment

ANTHONY JOHNSON

BASKETBALL LEAGUE

BENEDICT FERNANDEZ

BRUNEI BARRACUDAS

DONALD LITTLE

EGAY BILLONES

LOUIE ALAS

MARCUS MORRISON

PASIG CITY

SATRIA MUDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with