^

PSN Palaro

Perfect season sa San Beda, NCAA champion

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Pinatunayan ni Sudan Daniel na siya nga ang pinakamahusay na manlalaro sa 86th NCAA men’s basketball matapos pangunahan ang 85-70 tagumpay ng San Beda sa San Sebastian upang masungkit ang titulo na pinaglabanan kahapon sa Araneta Coliseum.

Ang 6’7 na si Daniel na hindi starter ni coach Frankie Lim ay tumapos pa rin taglay ang 24 puntos, 19 rebounds at 5 blocks sa 29 na minutong paglalaro at ang Red Lions ay nakabawi sa Stags na tumalo sa kanila sa championship noon nakaraang season.

May 14 puntos din si Garvo Lanete habang ang paalis ng si Borgie Hermida ay naghatid ng 10 para sa Lions na dinoma ang halos lahat ng aspeto ng labanan nila ng Stags para makumpleto rin ang 18-0 sweep.

“This 18-0 sweep will last a long time,” wika ng masayang si Lim.

Mula sa mahigpitang 20-17 first quarter score ay lumayo sa 43-27 ang Lions dala ng 11 puntos, 8 rebounds at 2 blocks ni Daniel.

Nakalayo na ang Lions sa 15 puntos sa apat na mag­ka­kasunod na free throws ng magkapatid na sina David at Anthony Semerad 64-59, pero hindi agad bumigay ang dating kampeon.

Tig-isang tres nina John Raymundo at Anthony Del Rio at apat na free throws ni Jonathan Semira ang nagpadikit sa Stags sa pito, 70-63.

Ngunit nagpakawala si Lanete ng tres na nagsilbing mista sa 10-0 bomba upang mahawakan ng Lions ang pinakamalaking kalamangan sa laro na 16 puntos, 82-66.

Sa pamamagitan ng 19 rebounds ni Daniel ay ku­muha ng 56-35 bentahe sa boards ang Lions habang mayroon din silang 21-11 angat sa assists.

Si Semira ay mayroong 13 puntos, 4 steals, 2 assists at 2 blocks para sa bataan ni coach Renato Agustin na hindi naman nakakuha ng magandang laro sa mga inaasahang sina Calvin Abueva at Ronald Pascual.

Si Abueva na gumawa ng 22 puntos sa unang tagisan ay nalimitahan lamang sa 8 puntos habang si Pascual ay mayroon 4 puntos lamang sa masamang 2 of 14 shooting, tampok ang 0 of 6 buslo sa 3-point line.

Nauna namang nagpasikat ang mga junior players ng San Beda ng kunin ng Red Cubs ang 95-84 panalo sa Staglets at maiuwi ang juniors title sa pamamagitan ng 2-0 sweep sa kanilang best-of-three series.

 San Beda 85- Daniel 24, Lanete 14, Hermida 10, dela Rosa 8, A. Semerad 8, J. Pascual 5, Caram 5, K. Pascual 4, Marcelo 4, D. Semerad 2, Mendoza 1.

San Sebastian 70- Semira 13, Bulawan 12, Sangalang 10, del Rio 10, Raymundo 9, Abueva 8, Pascual 4, Najorda 2, dela Cruz 2, Gorospe 0, Gatchalian 0, Marquez 0.

Quarterscores: 20-17; 43-27; 58-49; 85-70.

vuukle comment

ANTHONY DEL RIO

ANTHONY SEMERAD

ARANETA COLISEUM

BORGIE HERMIDA

CALVIN ABUEVA

FRANKIE LIM

GARVO LANETE

PUNTOS

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with