^

PSN Palaro

Alcantara nakalusot sa Frenchman Jr. Netter

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Mas kuminang ang laro ni Filipino netter Francis Casey Alcantara sa nakalabang Frenchman Gregorie Barrere upang makaabante sa second round sa idinadaos na 2010 Wimbledon Juniors Championships sa The All England Lawn Tennis and Croquet Club sa London.

Sa tie-break nagkasukatan ang dalawang unseeded pla­yers at pinalad si Alcantara na nakitaan ng tibay ng paglalaro para iuwi ang 6-1, 1-6, 11-9, ta­gumpay kay Barrere sa kanilang round of 64 match.

Umabante si Alcantara para harapin ang isa ring unseeded player na si Facundo Arguello ng Argentina.

Inaasahang mabigat din ka­labang si Arguello matapos nitong hiyain ang 15th seed na si Roberto Quiroz ng Ecuador sa tatlong mahigpitang sets, 6-2, 0-6, 6-3.

Nasa huling taon na ng pag­lalaro sa juniors ang 18-anyos na si Alcantara at tiyak na nais ni­yang magkaroon ng desenteng pagtatapos ang kampanya lalo nga’t ang 2009 Australian Open Junior doubles champion ang siyang natitirang Pinoy na naglalaro sa singles.

Si Jeson Patrombon na si­yang numero uno sa bansa ay na­laglag na sa torneo matapos lasapin ang 1-6, 5-7, kabiguan kay Frank Mitchell ng USA.

Buhay pa naman ang dalawa sa doubles na inaasa­hang sisimulan din ang aksyon ngayon.

Si Patrombon ay ipinarehas kay Ahmed Triki ng Tunisia na kakaharapin ang second seeds na sina Damir Dzumhur ng Bosnia and Herzegovina at Mate Pavic ng Croatia.

Katambal naman ni Alcantara si Briton’s Oliver Golding na kakaharapin ang Fil-Am na si Raymond Sarmiento at US Dennis Kudla.

Hanap nina Alcantara at Golding na mapantayan ang runner-up finish na kanilang ipinakita sa katatapos na AEGON Jr. International doubles.

vuukle comment

AHMED TRIKI

ALL ENGLAND LAWN TENNIS AND CROQUET CLUB

AUSTRALIAN OPEN JUNIOR

BOSNIA AND HERZEGOVINA

DAMIR DZUMHUR

DENNIS KUDLA

FACUNDO ARGUELLO

FRANCIS CASEY ALCANTARA

FRANK MITCHELL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with