^

PSN Palaro

Aussie Lady Cue Artist 'Di Pinagbigyan Ni Orcollo

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nalusutan ni Dennis Orcollo ang hamon ni Australian lady cue artist Jasmin Ouschan upang makausad sa knockout stage sa 2010 Party Poker World Pool Mas­ters na ginagawa sa Ri­viera Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Hindi nga nagpabaya si Orcollo laban kay Ouschan upang kunin ang dominan­teng 9-4 tagumpay para madomina ang loser’s bracket sa Group 5.

Nauna rito ay kumuha muna ng 9-1 panalo si Or­­collo na manlalaro ng Bug­sy Promotion, laban kay Shaun Wilkie ng USA ngunit yumukod siya kay Marcus Chamat ng Sweden, 9-8, para malaglag sa loser’s bracket.

Si Orcollo ang ikalawa at huling Filipino player na nananatiling nasa kontensyon sa torneong naglaan ng $100,000 gantimpala at ang tatanghaling kampeon nga ay magbibitbit ng $20,000.

Si Lee Van Corteza na noong nakaraang linggo ay naghari sa 1st Annual Hard Times-Mezz Cues 10-ball Open ay minalas na matalo kay Jayson Shaw ng US, 9-3, para mamaalam sa Group 6.

Si Shaw ang ikalawang sunod na US player na nakaharap ni Corteza at ang una ay si John Schmidt na nakaungos sa 9-8 iskor para maitulak ang pamba­to ng Pilipinas sa loser’s group.

Bago ang magkadikit na kabiguang ito ay kumuha muna ng 9-2 panalo si Corteza kay Carlo Cabello ng Spain.

Si Roberto Gomez ang unang Pinoy na nasa last 32 matapos maipanalo ang dalawang laro sa winner’s bracket sa Group 2 laban kina Earl Strickland, 9-5 at Huidje See, 9-8.

Magbubukas ang ak­syon sa Last 32 ngayon at si Orcollo ay makakaharap uli si Chamat habang si Gomez ay makikipagtuos uli kay See.

vuukle comment

ANNUAL HARD TIMES-MEZZ CUES

CARLO CABELLO

CORTEZA

DENNIS ORCOLLO

EARL STRICKLAND

HOTEL AND CASINO

HUIDJE SEE

JASMIN OUSCHAN

JAYSON SHAW

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with