^

PSN Palaro

Carter, Howard gumana sa Magic: SA 2-0 PANALO VS BOBCATS

-

ORLANDO, FlORIDA-- Hindi man kamangha-mangha ang ipinakita ng Vince Carter-Dwight Ho­ward duo, sapat naman ito para manalo sila.

Umiskor si Carter ng 19 points, habang nag-dagdag naman ng 15 si Howard para kunin ng Orlando Magic ang 2-0 series lead matapos itumba ang Charlotte Bobcats, 92-77.

“Fortunate thing for us is we have a lot of weapons,” sabi ni Carter.

Nagtumpok sina Carter at Howard ng pinagsamang 21 produksyon sa second half para tulungan ang Orlando sa pagtatayo ng isang 20-point lead laban sa Charlotte.

Umiskor naman si Stephen Jackson, may hyperextended left knee injury, ng 27 marka para pangunahan ang Bobcats kasunod ang 15 ni Gerald Wallace.

Hangad pa rin ng prangkisa ng Charlotte ang kanilang unang panalo sa NBA Playoffs.

Nakatakda ang Game 3 ng kanilang best-of-se­ven series sa Charlotte.

Sa Dallas, itinabla ng San Antonio Spurs ang kanilang serye ng Dallas sa 1-1 matapos na gapiin ang Maverics, 102-88.

Umiskor si Tim Duncan ng walong puntos para sa Spurs sa kalagitnaan ng final canto at tumapos ng 25 points bukod pa ang 17 rebounds.

Nag-ambag naman si Manu Ginobili ng 23 puntos para sa Spurs.

Nakatakda ang Game 3 sa balwarte na ng San Antonio sa Biyernes.

Bumandera naman si Jason Terry sa Dallas sa kanyang inilistang 27 puntos, gayunpaman, bumagsak pa rin ang home team sanhi ng kanilang 9-0 start sa laro at naghabol na ang Mavs sa buong games.

vuukle comment

CHARLOTTE BOBCATS

GERALD WALLACE

HOWARD

JASON TERRY

MANU GINOBILI

NAKATAKDA

ORLANDO MAGIC

SA DALLAS

SAN ANTONIO

UMISKOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with