3rd draw ni So kontra US GM naman
WIJK AAN ZEE, Netherlands --Naramdamang wala na siyang magagawa sa kanyang posisyon, pumayag si Filipino Grand Master Wesley So sa isang draw kay GM Varuzhan Akobian ng United States sa third round ng 72nd Corus chess tournament dito sa De Moriaan Community Centre.
Nagkasundo sa draw sina So at Akobian matapos ang 33 moves.
Ito ang ikatlong sunod na draw ni So matapos kina top seed GM Arkadij Naiditsch ng Germany at GM Erwin l’Ami ng the Netherlands.
Tumabla ang fourth year high school student at St. Francis of Assisi College sa fourth hanggang 10th place sa kanyang 1.5 points sa nasabing 14-player, category-16 Group B tournament.
Si So ay nasa ilalim ni GMs Ni Hua ng China at Anish Giri ng the Netherlands at Naiditsch.
Tinalo ng fourth-seeded na si Ni, may ELO 2657, si GM Tomi Niyback ng Finland upang saluhan sa liderato si Giri.
Pinisak naman ni GM Pentala Harikrishna ng India ang nag-iisang babaeng kalahok na si IM Anna Muzychuk ng Slovenia na nagbigay sa kanya ng 1.5 puntos.
Magpapatuloy ang aksyon nitong Martes ng gabi sa paglarga ng fourth round kung saan lalaro si So na hawak ang mga itim na piyesa laban kay Negi.
Paglalabanan naman nina Ni at Giri ang solong liderato sa kanilang paghaharap sa labanan para sa mga bumabandera, habang makakapigaan ng utak ni Naiditsch si Harikrishna sa iba pang laro.
- Latest
- Trending