^

PSN Palaro

Purefoods lumakas ang tsansa sa semis

-

MANILA, Philippines - Lumakas ang tsansa ng Purefoods sa outright semifinal slot matapos pasadsarin ang Rain Or Shine, 101-88 sa pag-usad ng KFC PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Bagamat naupos ang 19-puntos na kalamangang naipundar ng Purefoods sa first half nang madikitan sila sa apat na puntos na distansiya na lamang, muling kumawala ang TJ Giants upang iposte ang kanilang ikalawang sunod na panalo, ika-10 sa 16 laro.

Kailangang ipanalo ng Purefoods ang huling mabibigat na laban kontra sa Alaska at Sta. Lucia para magkaroon ng tsansa sa awtomatikong semis slot na ipagkakaloob sa top-two teams pagkatapos ng eliminations.

Nakasisiguro na ang San Miguel (13-3) ng outright semis slot habang dalawang panalo na lamang ang kaila-ngan ng Alaska (11-3) para makakakuha rin nito.

Ang tanging daan para makahirit ang Purefoods sa outright semis slot ay manalo sila sa dalawang huling asignatura at manalanging di umabot sa 13-panalo ang Aces para makapuwersa ng playoff.

Bumagsak naman ang Rain Or Shine, nakabangon mula sa 19-point deficit at dumikit sa 67-63 sa ikatlong quarter, sa 4-12 record at kailangan nilang ipanalo ang hu-ling dalawang laro upang makasama sa wild card phase para sa no. 6, 7, 8, at 9 teams kung saan ang surviving team ay makakasama ng no. 3, 4 at 5 team na bibigyan ng awtomatikong quarterfinal slot.

Sa pangunguna nina James Yap at Nino Canaleta, muling lumayo ang Purefoods ng 19-puntos, 85-66 tungo sa panalo.

Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban ang Barako Bull (2-13) at defending champion Talk N Text (10-6)

Purefoods 101 - Yap J. 23, Raymundo 22, Canaleta 15, Yap R. 14, Maierhofer 9, Allado 6, Pingris 5, Artadi 4, Timberlake 3, Reavis 0.

Rain Or Shine 88 - Norwood 29, Mercado 20, Chan 12, Hrabak 11, Telan 9, Laure 4, Cruz 2, Araña 1, Alfad 0, Arellano 0, Tang 0, Reyes 0.

Quarterscores: 31-15, 52-35, 75-64, 101-88.

ARANETA COLISEUM

BARAKO BULL

JAMES YAP

NINO CANALETA

PHILIPPINE CUP

PUREFOODS

RAIN OR SHINE

SAN MIGUEL

TALK N TEXT

YAP J

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with