^

PSN Palaro

Semis target ng Oracle Titans

-

MANILA, Philippines - Tangka ng Oracle Titans ngayon ang makagawa ng sariling marka para sa liga upang makauna ng semis slot.

Dibdiban ang inaasahang labanan sa paghaharap ng Licealiz Hair Doctors at Oracle Residences na maghuhudyat ng second round para sa 2009 PBL PG Flex Unity Cup sa San Juan Gym.

Kampante ang Titans business man na si Mikee Romero na makakalimbag ang Titans ng sarili nitong titulo tulad ng kanilang sister team Harbour Centre na taglay ang 6 straight championship sa liga.

Determinado ang bataan ni coach Glenn Capacio na makuha ang isa pang laban para masigurado ang unang semis slot sa season ending tournament na ito.

Masasaksihan ang salpukang Oracle Titans at Licealiz Hair Doctors sa ganap na alas dos ng hapon.

Samantala, sa ikalawang laro, kapwa asam ng Cobra Energy Drink at Pharex Batang Generix na makabangon mula sa tinamong kabiguan sa nakaraang laban.

Matatandaang humina ang lakas ng Energy Drinkers nang payukurin sila ng Magnolia 69-67 noong Huwebes.

Hindi rin naiuwi ng Batang Generix ang target na panalo matapos malaglag sa 78-87 kontra Hair Doctors.

Parehong 1-3 baraha ang tala ng Cobra at Pharex.

Ang dalawang koponan na maluluklok sa huling pwesto ay magtutunggali para sa best of three quarterfinal series.

Matapos igupo ng bataan ni Capacio ang Hair Doctors sa unang round sa iskor na 73-64, maghahain ang Tamaraw coach ng malakas na opensa at depensa sa knilang pagtitipan matapos walisin ng Licealiz ang Pharex.

Sa kabila ng pagkawala ng key players na sina Chris Tiu, JV Casio at dating UAAP MVP Jervy Cruz, naging matagumpay ang Hair Doctors na kontrolin ang laro sa pag-uumpisa ng laban.

Nagbandera rin ng 20 points at 10 rebounds ang 6-foot-6 na si James Sena na siyang nagdala ng pwersa pabor sa Licealiz na tumipa ng 10-0 run sa huling tatlong minuto ng laro.

Kabilang sina Casio at Tiu sa grupo ng mga manlalarong nagsasanay para sa RP developmental team. Kasama rin dito sina Mark Barroca, Mark Baracael, Eldrech Ramos at JR Cawaling.

Tiwala ang Oracle Team Manager na si Erick Arejola na kayang pataubin ng pinagsama-samang husay nina rookie Fil Am Chris Timberlake at mga beteranong sina Rico Maierhofer, Edwin Asoro, Benedict Fernandez ang Hair Doctor para masunggaban ang tiket sa semis. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

BATANG GENERIX

BENEDICT FERNANDEZ

CASIO

CHRIS TIU

EDWIN ASORO

ELDRECH RAMOS

ERICK AREJOLA

HAIR DOCTORS

LICEALIZ HAIR DOCTORS

ORACLE TITANS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with