Cojuangco, Barrios at Guiao sa PSA Forum
MANILA, Philippines - Puno ang PSA Forum bukas ng bisita sa pagdalo nina Philippine Olympic Committee (POC) president Peping Cojuangco, Philip-pine Basketball Association (PBA) commissioner Renauld ‘Sonny’ Barrios at RP men’s national team coach Yeng Guiao sa Shakey’s U.N Avenue branch.
Ang forum ay magsisimula sa alas-10 ng umaga na susundan ng eleksiyon ng officers at members.
Tatalakayin nina Barrios at Guiao ang nagaganap sa pagsasanay ng national team para sa dalawang nakatakdang international event habang isisiwalat naman ni Cojuangco ang tungkol sa Olympic Council of Asia meeting na kanyang dinaluhan.
Inaanyayahan ni PSA president Aldrin Cardona ang lahat ng miyembro na magpartsipa sa eleksiyon.
- Latest
- Trending

















