^

PSN Palaro

Grace Christian pinabagsak ng St. Stephen

-

Pinaganda ng St. Stephen High School ang labanan para sa ikalawang puwesto ng 39th Yakult Metro Manila Tiong Lian Basketball Association matapos na maungusan nito ang powerhouse Grace Christian College, 51-49.

Bagamat nakuha na ng Xavier School ang tanging automatic semifinals berth, mahalaga din ang ikalawang puwesto dahil sa magkakaroon ang second placer ng twice-to-beat advantage kontra sa last placer sa quarterfinal round ng torneong sinusuportahan ng PG Flex Linoleum at Outlast Batteries at ipinalalabas sa Makisig Network Sky Cable channel 76 at 82.

Nagbida para sa St. Stephen sa panalong iyon si Clyde Aparicio na nagtala ng 16 puntos at walong rebounds.

Ang quarterfinals ng 39th Yakult MMTLBA ay magsisimula sa Miyerkules, Pebrero 4.

BAGAMAT

CLYDE APARICIO

FLEX LINOLEUM

GRACE CHRISTIAN COLLEGE

MAKISIG NETWORK SKY CABLE

OUTLAST BATTERIES

ST. STEPHEN

ST. STEPHEN HIGH SCHOOL

XAVIER SCHOOL

YAKULT METRO MANILA TIONG LIAN BASKETBALL ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user