Legacy ni Pacman ang nais ni Arum
Ang pagtatayo ng kanyang ‘legacy’ sa mundo ng boxing scene at ang pagkopo sa makasaysayan niyang pang apat na korona ang direksyong gustong ilatag ni Bob Arum ng Top Rank Promotions para kay Filipino boxing superstar Manny Pacquiao, ang bagong World Boxing Council (WBC) super featherweight champion.
“The most important direction for Manny to go is to build on his legacy,’’ ani Arum kahapon. “If he beats Diaz and wins a fourth world title then we’ll decide who he fights next. He has a plethora of options and opponents to choose from”.
Matapos umiskor ng isang split decision sa 34-anyos na si Mexican Juan Manuel Marquez sa kanilang rematch noong Marso 16 para maagaw ang WBC super featherweight belt, itinakda agad ni Arum ang laban ng 29-anyos na si Pacquiao sa 31-anyos na si David Diaz para sa taglay nitong WBC lightweight title.
Maliban kay Diaz, maaari ring labanan ni Pacquiao sina International Boxing Federation (IBF) lightweight titlist Nate Campbell, World Boxing Association (WBA) super featherweight king Edwin Valero at World Boxing Organization (WBO) super featherweight ruler Joan Guzman.
“He could fight Nate Campbell to unify the lightweight title. He may want to fight (Edwin) Valero. Since Valero got licensed in
Hindi rin nalalayo ang posibilidad na ‘trilogy’ nina Pacquiao at Marquez, dagdag ng Top Rank boss. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending