^

PSN Palaro

6 RP boxers nasa finals

-

NAKHON RATCHASIMA -- Anim na boksingerong Pinoy mula sa 7 na lumaban ang bumuhay sa kampanya ng bansa makaraang umusad sa finals at nakasiguro ng silver sa 24th Southeast Asian Games boxing competition na ginanap sa Tumbon Mueangpug Gymnasium dito.

Tanging si pinweight Bill Vicera lamang ang hindi sinuwerte kahapon dahil agad itong napasabak kontra sa Thai boxer na si Kaeo Pongprayoon ngunit nanatiling buhay ang tsansa para sa gold ng anim na pinalad na hindi agad nakasagupa ng Thai.

Pinigil ni Annie Albania si El Swe Hninn ng Myanmar sa kanilang flyweight fight at sinundan agad ng panalo ni Jouvilet Chilem sa bantamweight class kontra naman kay Mo Mo Naing Hninn ng Myanmar. Gayunpaman tatapatan nila ang Thai boxers sa finals.  

Sa kalalakihan, hindi nagpahuli si Godfrey Castro na pinigil si Malaysian Mohammad Ali Abdul Karim.

Tinalo din ni featherweight Orlando Tacuyan si Nanng Soe Yan ng Myanmar sa pamamagitan ng 15-10, nanaig si Larry Semillano kay Indon Amannpuyo Erico, 12-0 sa bantamweight at dinaig ni middleweight Junie Tizon sii Hua duc Trong ng Vietnam.

Gayunpaman, ang lahat ng nanalong boksingero kahapon ay nahaharap sa mas mabigat na pagsubok kontra sa host ,Thailand sa kanilang finals na Disyembre 12.

Aasa ding makakasulong sa finals ang tatlong babaeng boxer na sina Alice Kate Aparri, Annalisa Cruz at Mitchel Martinez na lalaban ngayon sa semifinals. (Dina Marie Villena)

vuukle comment

ALICE KATE APARRI

ANNALISA CRUZ

ANNIE ALBANIA

BILL VICERA

DINA MARIE VILLENA

EL SWE HNINN

GAYUNPAMAN

GODFREY CASTRO

MYANMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with